Tuesday, June 1, 2010

“LOAD” –part 5 (give up)


Mahal ko talaga siya
Kaya naging kami ulit
Sinagot ko siya
Kasi alam kong wala
Ng sagabal saamin
Kahit di ko alam
Kung totoo o hindi
Doon ko binalik
Ang trust ko sa kanya
Kasi alam ko mahal niya ako
At Masaya na ako nun

Kinalimutan ko
Ang lahat ng sakit
Na binigay niya
At binuo ko muli ang
Trust para wala ng
Problema…
Mahal ko siya…
At alam niya yun

Proud ako sa kanya
Kahit ganon nangyari sa amin
Malaking trials yun
Sa amin na mawala siya
Ipinag kalat ko pa na kami ulit
Na mahal ko siya
At mahal niya rin ako
Na nagsisimula kami ulit
Na kami na ulit at di
Na mahihiwalay ng iba

Sa panahong Masaya ako
May natanggap akong
Message sabi:
Myga kayo pa ba ni Genel
Sabi ko oo
Di ko alam na girlfriend niya yun..
Hindi pala sila nag hiwalay
Sila parin daw
At magkasama sila parati

Sakit ang naramdaman ko
Gusto kong sumigaw
Pero maraming tao



Gusto kong himatayin sa sakit
Pero kinaya ko
Ano ba ang kulang?
Binalik ko naman yung trust ko
Na kinatatakutan niyang mawala
Binigay ko naman ulit lahat…
Mahal ko naman siya
Di na naman ako nagkukulang
Pero bakit ganon siya?
Isang gabing iyak
Binigay ko sa kanya
Di tulad nun na
Ilang araw akong lasing
Siguro nga sanay na ako
Sa mga ginagawa niya
Na binibigyan ako ng sakit
Pero kahit ganon iniisip ko
Nalang kung saan siya Masaya
Na di na ako lumuluha
So I decide na give up na ako
Alam ko din naman
Na hindi na magiging kami ulit
At tinanggap ko yun na
Masaya kahit may sakit pa
Kinakaya ko..
Doon ko rin na isip na
May darating pang iba
At tatanggapin ako
At mag trust siya sa akin
At tatanggapin kung
Ano ang mga karanasan ko noon..
“Mahal ko siya pero
Ayaw ko na ang sakit sakit na
Tama na ang sakit na binigay niya”

"THE END"

~edelweiss~

Sunday, May 23, 2010

“LOAD” –part 4 (ang pagbabalik)

Nangangarap parin ako
Sa lahat ng mga pangako niya
Ngayon ko lang naramdaman
Ang pagod sa paghihintay
Sa di ko alam..
Kung magiging akin ulit
Ang alam ko lang
Hihintayin ko siya
Hangga’t kaya ko pa..

Ang saya-saya namin
Tuwing magkasama kami
Sa pamamasyal..
Hindi ko na maiwasan
Ang mahulog ng lubosan sa kanya..
Kahit alam ko di pa pwede

Last night ng pamamasyal
Naming nag usap kami
Sa mga nangyari sa amin
Kung bakit kami nagkaganito
Di ko rin naman siya masisisi
Sa lahat ng nagawa kong
Mali sa kanya
Pero kahit ganun
Gusto ko paring itama
Ang lahat ng yun..
Kahit huli na..
Di na nga pwede ibalik
Pero pwede namang ayosin
Napaiyak lang ako nung
Sabihin niya na

“Gang di mo naman ako
Masisisi kung bakit ko to
Nagawa..
Mahal kita..
Pero pinairal ko yung
Pride ko dahil sa
Galit na galit ako sayo..”

Inaamin ko naman yung
 Pagkakamali ko..
Kahit din labag sa loob ko..

“Gang mahal kita..
Wag ka na iiyak iyak jan..
Hindi bagay..
Sige ka papangit ka niyan”

Kahit na minsan lang
Kami magkasama
Pero sa maliit na panahong iyan
Nagiging Masaya kami..

“Masaya akong kasama ka gang”
Hintay ka lang..
konting oras nalang
Hindi ka mabibigo..
Yan ang itatak mo sa isip at puso mo
Na mahal kita..”

Kinabukasan nun nag text siya
Nag uusap kami sa
Lahat parin ng nangyari
Sinabi niya..

“Gang naghiwalay kami”

Sa panahong iyon..
Di ako naka kibo sa higaan ko
Ayaw kong maniwala
Alam ko ding naming
Magkakabalikan sila ulit..
Pinatawag niya ako.

“Gang ayaw ko na bumalik sa kanya..
Ikaw ang mahal ko..
Mas Masaya ako kasama ka..
Tama ka gang kahit itaas ko yung pride ko
Ikaw parin..di ko ito maitatago”

Masayang masaya ako
Kahit sa tawag lang niya sinabi yun..
Nagkita kami kinahaponan
Alam kong magiging maligaya kami..

Sa isang tunay na pag-ibig..
Kahit na gaano pa kalaki
Ang kasalanan at ipapairal
Ang pride mo..
Kung tunay talaga
Pagmamahal ninyo lalabas
Parin ang namumuong pag-ibig..

“THE END”

~edelweiss~

Friday, May 21, 2010

“LOAD” ---part 3 (ang pangako)

Lahat ginawa ko na
Para mawala na siya..
Ang pagmamahal ko
Ang sakit na nasa puso ko
At ang mundo ko
Na gumagalaw sa kanya..

Ngayon na okay na ako
Kaya ko na tumayo
Na wala siya
Kaya ko nang iwanan
Ang lahat ng binigay niya
Na pagmamahal at
Natutunan ko nang
Di paniwalaan..

Kahit na nagsasama
Parin kami sa pamamasyal
Di parin mapigilan
Na maramdaman ang
Pagmamahal ko sa kanya..
At parati niyang sinasabi..

“Gang mahal parin kita”

Kung noon naniniwala ako
Ngayon hindi na..
Kung mahal niya talaga ako
Hindi na siya magmamahal
Ng iba at dito lang siya..
Kahit alam ko man na totoo
Sinasabi niya pero
Pinipigilan kong maniwala

Siguro nga matigas na puso ko
Sa mga nangyari imposible
Na magbago pa ako..
Natutunan ko na kasing
Magpakamanhid..
Ang puso ko naging bato
Sa lahat ng nagmamahal sa akin

Kasama ko siya one night
Nagalit siya sa akin
Sabi niya..

“Gang ano ka ba?
Bakit guys kasama mo?
Sa pamamasyal?”

Alam kong nagseselos siya
Sa barkada ko..
Tinangka pa niya akong
Suntokin sa harap ng
Maraming tao..
Pero hindi ako nadala
Bakit niya naman ako
Papakialaman ehh
Hindi ko naman siya
pinipilit na lapitan ako ha..
matapos yun ay
nagkita kami sinabi niya..

“Gang sorry ha..
Di ko lang mapigilan
Barkada mo kasi inuna
Kaysa sa akin..”

Alam kong nararamdaman niya
Naranasan ko din yun
Sa kanya kaya nga matigas
Na puso ko sa kanya
  
“Gang pwede ba tayo
Nalang ulit?
Mahal kasi kita ehh
Mahal na mahal kita..
Ayaw ko na nasa iba ka..”

Sa panahong iyon..
Alam ko na totoo yun
Gusto ko mang magkabalikan
Kami pero hindi pwede..

“Gang kung mahal mo talaga ako
Sana inisip mo ano kinalalabasan
Nito lahat..
Ayaw kong magkabalikan tayo
Habang kayo pa..
Ano ako? kabit?”

“Bumalik ka lang kung
Hindi na kayo at marealize mo
Lahat ng kamalian mo..”

“Gang papatunayan ko yan”
“mahal kita..hintayin mo lang
Ang araw ng pagbabalik ko..
Wag ka mag alala
Ilang araw nalang ang pagtitiis
Natin magiging tayo ulit..”
“Promise ko yan”

Ngayon sa sinabi niya
Naghihintay pa ako..
Kung totohanin niya yun
Pero sa ngayon
Di ko nalang papangarapin pa..
Baka mangarap ako sa wala
Sakit narin kasi
Ang mangarap na hindi natutupad
At kahit anong pilit mo
Hindi siya magiging sayo..


“THE END”

~edelweiss~

Thursday, May 20, 2010

“LOAD” ---part 2 (moving on)

Nawala na lahat sa akin..
Naglalasing ako..
Araw-araw para mawala lang
Lahat ng sakit na binigay niya..
Kahit kaawa-awa na ako
Sa mukha ng iba
Iniiyakan ko parin siya..
Mahal ko kasi siya
Kahit sobrang sakit na..

Ang mas masakit pa..
Iniwan na nga niya ako
Dinala niya pa ang girlfriend
Niya sa graduation day ko
Nung araw na yun
Ipinakita ko sa harap
Ng mga tao na kaya ko..
Pero mali pala ako..
Sa harap nila lang ako
Matapang ngunit..
Sa harapan niya
Nangangarap parin akong
Babalikan niya..

Kinagabihan after the
Graduation nag sama pa kami

“Gang masaya ka ba?
Na magkasama tayo ngayon?”

“Sa totoo lang oo..”
“Masayang masaya kahit
Di tayo..”

Kontento na ako na
Magkasama lang kami..
Kahit sa tingin ko
Naghahanap pa ako ng
Paraan na babalik siya pero
Hindi talaga..

That night uminom ako..
Kasama siya..
Sa bahay ng kaklase ko..
Di ko lang napigilan
Sarili ko dahil sa selos
Kasi habang magkasama kami
 katext niya naman girlfriend niya
sakit pa nung nag selos ako
sinabihan niya pa ako

“Gang tanggapin mo
Nalang na wala na ako
At hindi na magiging tayo”

Umiyak talaga ako nun
Di ko alam bakit nawala
 agad pagmamahal niya
pero kinaya ko yun..
nagkikita parin kami..
siguro nga tanga lang
talaga ako sa kanya
binalak ko pa manggulo sa
kanila pero siguro hindi na talaga..

Tinanggap ko nalang
 Na wala na siya
Hindi na ako nagpakita sa kanya
1 week lang nga lang
Pero natutunan ko na rin
Hindi umiyak
Para ano pa ba luha ko kung
Di naman siya babalik..

After na naka realize ako
Sa pagkakamali ko
May naging boyfriend ako
Di ko nga lang mahal
Gusto ko lang mawala siya
Sa isipan ko

Atleast may natutunan ako
Kay Richie na kawawa
lang ako sa ex ko..
pero paano ba yan
mahal ko parin siya
kaya ginagawa ko ngayon
nilibang ko sarili ko sa
mga nangliligaw sa akin

ngayon may 3 akong bf..
ewan ko lang kung ano nangyari
pero try ko lang kung mawala
 ang pagmamahal ko sa kanya
wala naming masama..
sa ngayon pinapatuloy ko
lang ang paglayo sa kanya…

“THE END”

~edelweiss~



“LOAD” --part 1

Isang pagkakataon ang
Pinagsisihan ko sa buong
Buhay ko…
Ang araw na gumuho ang mundo
Dahil sa munting pagkakamali
Na hindi inaasahan..

Ako si Myga isang babaeng suplada
Mahal ko ang boyfriend ko..
Kahit seloso yun mahal ko parin
Kahit walang tiwala..
Ngunit sa isang pangyayari
 Nagbago sa lahat..

Nagtext si Genel sa akin
Ang boyfriend kong walang
Tiwala sa akin at seloso..

“Gang kita tayo mamaya.”

“Saan? Pasyal na naman tayo?”

Naiinis na talaga ako sa kanya
Parati akong kinukulit
Kahit alam niyang busy
Ako sa darating na graduation
Pagod na ako sa kanya
Di man lang niya ako iniintindi

Sa pamamasyal naming hindi
Inaasahang text ang dumating
Kinuha niya cellphone ko
Binasa niya lahat ng message
At ang naka phonebook
Nairita na talaga ako sa kanya
Sa pag seselos niya kaya
Nag desisyon nalang akong
Taposin nalang ang lahat
Kahit alam kong mahal ko siya

Kinagabihan nag text siya sa akin
Magkita daw kami kaso
Di ako nakapunta..
Hindi ko rin siya matext
Dahil sa walang load
Makalipas ang ilang araw
Na hindi nagkikita at
Nagtetext ay may natanggap
Akong message

“Gang nanjan kaba bahay ninyo?
Labas ka may sasabihin ako”

Nagmamadali akong lumabas
Para sabihin sa kanya ang lahat
Ngunit huli na pala ang lahat
May girlfriend na pala siya
Nang malaman ko yun
Gumuho ang mundo ko
Di ko alam kung makakaya ko
Na wala siya..

Natuto akong uminom
Dahil sa kanya..
Walang araw na pinapalampas
Mawala lang siya
Sa puso at isipan at ang
Sakit na dinala niya..

Alam kong may katumbas
Ang lahat ng ito
Sakit sakit na
Bakit sa akin pa?
Ngayon na kailangan ko siya
Iniwan niya naman ako..


“THE END”

~edelweiss~

Wednesday, May 19, 2010

“PAPEL” –part 2

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko
Ang pinakamasakit sa lahat
Na nawala si Kent..
Nawalan ako ng bestfriend
At minamahal..

Ilang taon din akong
Umiyak dahil sa kanya..
Di parin siya mawala sa puso ko
Iningat-ingatan ko ang katawan ko
Pagkatapos kong lumabas sa ospital
Lalo na ang kidney ni Kent na ngayon
Ay nandito saakin..

Binigyan ko ng pagkakataon ang buhay ko
Kaya pumasok ako sa isang kompanya..
Nagtrabaho ako at
Nakilala ko si Jack
Naging malapit siya sa akin
At naging mag best friend kami..

Ako si Jack…
Naging malapit kay Kathy..
Nangangarap na maging kami…
Pero hindi pwede ehh
Bestfriend kami..

“Jack labas naman tayo ohh”

“Sige ba..ngayon gabi
Hihintayin lang kita sa kanto..”

Nang sumapit ang gabi..
Papunta na ako sa kanto..
Ng biglang..
Hinablot ang bag ko
At may sumalo saakin..
Hinabol niya ang snatcher
Kaso may dalang kutsilyo at
Nasaksak ang bestfriend ko
Napaiyak nalang ako at lumapit
Bakit mo pa kasi hinabol
Tignan mo tuloy..

Matapos ang araw na yun
Nakalabas ako sa ospital
Nakita ko si Kathy umiiyak

“Kath? Bat ka umiiyak?

“Wala to..napuwing lang ako.”

Sa paglipas ng mga araw na
Magkasama kami nabuo ang
Matibay naming samahan ng..
Maisugod ulit ako sa ospital..

Pag gising ko di ako masyadong nakatayo
Nang may inabot na papel
Na may sulat saakin

Sulat ni Kathy at ng pumanaw niyang kaibigan..
Nabasa ko sulat nila..
Mahal na mahal nila ang isa’t-isa..
Sa gilid ng sulat nila
Nakita ko sulat niya para sa akin..

“Jack mahal din kita katulad
Ng pagmamahal ni kent sa akin
Na ibinigay ko sayo ang
Puso ko na ngayon
Ay nasa sayo…”

“Masaya ako kasama siya..
Kasabay ng pag mamahalan naming dalawa..”

“PAALAM KAIBIGAN”

"THE END"

~edelweiss~