Wednesday, May 19, 2010

“PAPEL” –part 2

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko
Ang pinakamasakit sa lahat
Na nawala si Kent..
Nawalan ako ng bestfriend
At minamahal..

Ilang taon din akong
Umiyak dahil sa kanya..
Di parin siya mawala sa puso ko
Iningat-ingatan ko ang katawan ko
Pagkatapos kong lumabas sa ospital
Lalo na ang kidney ni Kent na ngayon
Ay nandito saakin..

Binigyan ko ng pagkakataon ang buhay ko
Kaya pumasok ako sa isang kompanya..
Nagtrabaho ako at
Nakilala ko si Jack
Naging malapit siya sa akin
At naging mag best friend kami..

Ako si Jack…
Naging malapit kay Kathy..
Nangangarap na maging kami…
Pero hindi pwede ehh
Bestfriend kami..

“Jack labas naman tayo ohh”

“Sige ba..ngayon gabi
Hihintayin lang kita sa kanto..”

Nang sumapit ang gabi..
Papunta na ako sa kanto..
Ng biglang..
Hinablot ang bag ko
At may sumalo saakin..
Hinabol niya ang snatcher
Kaso may dalang kutsilyo at
Nasaksak ang bestfriend ko
Napaiyak nalang ako at lumapit
Bakit mo pa kasi hinabol
Tignan mo tuloy..

Matapos ang araw na yun
Nakalabas ako sa ospital
Nakita ko si Kathy umiiyak

“Kath? Bat ka umiiyak?

“Wala to..napuwing lang ako.”

Sa paglipas ng mga araw na
Magkasama kami nabuo ang
Matibay naming samahan ng..
Maisugod ulit ako sa ospital..

Pag gising ko di ako masyadong nakatayo
Nang may inabot na papel
Na may sulat saakin

Sulat ni Kathy at ng pumanaw niyang kaibigan..
Nabasa ko sulat nila..
Mahal na mahal nila ang isa’t-isa..
Sa gilid ng sulat nila
Nakita ko sulat niya para sa akin..

“Jack mahal din kita katulad
Ng pagmamahal ni kent sa akin
Na ibinigay ko sayo ang
Puso ko na ngayon
Ay nasa sayo…”

“Masaya ako kasama siya..
Kasabay ng pag mamahalan naming dalawa..”

“PAALAM KAIBIGAN”

"THE END"

~edelweiss~