Friday, April 15, 2011

“NECKLACE” (part1)



Mahirap ba talaga no?
Na sa tinginin na lamang,
Sa facebook mo lang siya
Masisilayan
Na hindi mo siya malapitan
Dahil meron na nagmamay-ari sa kanya L

Ako si kaila
Isa sa mga babaeng hanggang tingin na lamang
Dahil may nagmamay-ari sa kanila
Si Marv ang aking dakilang pag-ibig
Kaso meron siyang girlfriend

Ako si Marv
Girlfriend ko si Klarissa
Ang tagal na namin
3 years na kaming
mag boyfriend at girlfriend
at hanggang ngayon
ay Masaya parin kami sa
aming relasyon.
Walang pagbabago
Palaging nag aaway bati
Ngunit kahit ganon man
Ay mahal parin naming ang isa’t isa

Meron kaming mga sumpaan
Na hinding hindi ko malilimutan
At hanggang ngayon ay pinapanindigan ko ito

Nang meron akong magawang kasalanan ay lubos niya itong dinibdib
Nakipaghiwalay siya
Nang hindi ko alam kung
Meron pa bang pag asa



O wala na ba talaga

Ngayon ay umaasa parin ako na
Papatawarin sa lahat
Ng nagawa kong mali sa kanya
Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon
At kaya kong tanggapin lahat ng
Kaparusahan bumalik
Lang siya sa akin

Pinipilit ko paring ma contact
Siya ngunit nag iiba
Siya ng cellphone number
Pag tini text ko L

Nalaman ko ang nangyari
Sa relasyon nila
Marv at Klarissa
Nalulungkot ako na nagkakaganyan
Si Marv
Ganon ba talaga ang pag-ibig?
Sa simula lang masarap
Pag nagtagal papait rin?
Pero bakit ako mapait pa rin?
Simula hanggang ngayon?

Hindi ko na lang iniisip ang
Ganitong mga pangyayari
Ngunit ginagawa ko itong
Parti at aral sa aking buhay

Nang hindi ko mamalayan
sa kaiisip ko kay Marv ay may nakabangga ako . . . .


(itutuloy!)