Thursday, May 20, 2010

“LOAD” ---part 2 (moving on)

Nawala na lahat sa akin..
Naglalasing ako..
Araw-araw para mawala lang
Lahat ng sakit na binigay niya..
Kahit kaawa-awa na ako
Sa mukha ng iba
Iniiyakan ko parin siya..
Mahal ko kasi siya
Kahit sobrang sakit na..

Ang mas masakit pa..
Iniwan na nga niya ako
Dinala niya pa ang girlfriend
Niya sa graduation day ko
Nung araw na yun
Ipinakita ko sa harap
Ng mga tao na kaya ko..
Pero mali pala ako..
Sa harap nila lang ako
Matapang ngunit..
Sa harapan niya
Nangangarap parin akong
Babalikan niya..

Kinagabihan after the
Graduation nag sama pa kami

“Gang masaya ka ba?
Na magkasama tayo ngayon?”

“Sa totoo lang oo..”
“Masayang masaya kahit
Di tayo..”

Kontento na ako na
Magkasama lang kami..
Kahit sa tingin ko
Naghahanap pa ako ng
Paraan na babalik siya pero
Hindi talaga..

That night uminom ako..
Kasama siya..
Sa bahay ng kaklase ko..
Di ko lang napigilan
Sarili ko dahil sa selos
Kasi habang magkasama kami
 katext niya naman girlfriend niya
sakit pa nung nag selos ako
sinabihan niya pa ako

“Gang tanggapin mo
Nalang na wala na ako
At hindi na magiging tayo”

Umiyak talaga ako nun
Di ko alam bakit nawala
 agad pagmamahal niya
pero kinaya ko yun..
nagkikita parin kami..
siguro nga tanga lang
talaga ako sa kanya
binalak ko pa manggulo sa
kanila pero siguro hindi na talaga..

Tinanggap ko nalang
 Na wala na siya
Hindi na ako nagpakita sa kanya
1 week lang nga lang
Pero natutunan ko na rin
Hindi umiyak
Para ano pa ba luha ko kung
Di naman siya babalik..

After na naka realize ako
Sa pagkakamali ko
May naging boyfriend ako
Di ko nga lang mahal
Gusto ko lang mawala siya
Sa isipan ko

Atleast may natutunan ako
Kay Richie na kawawa
lang ako sa ex ko..
pero paano ba yan
mahal ko parin siya
kaya ginagawa ko ngayon
nilibang ko sarili ko sa
mga nangliligaw sa akin

ngayon may 3 akong bf..
ewan ko lang kung ano nangyari
pero try ko lang kung mawala
 ang pagmamahal ko sa kanya
wala naming masama..
sa ngayon pinapatuloy ko
lang ang paglayo sa kanya…

“THE END”

~edelweiss~



“LOAD” --part 1

Isang pagkakataon ang
Pinagsisihan ko sa buong
Buhay ko…
Ang araw na gumuho ang mundo
Dahil sa munting pagkakamali
Na hindi inaasahan..

Ako si Myga isang babaeng suplada
Mahal ko ang boyfriend ko..
Kahit seloso yun mahal ko parin
Kahit walang tiwala..
Ngunit sa isang pangyayari
 Nagbago sa lahat..

Nagtext si Genel sa akin
Ang boyfriend kong walang
Tiwala sa akin at seloso..

“Gang kita tayo mamaya.”

“Saan? Pasyal na naman tayo?”

Naiinis na talaga ako sa kanya
Parati akong kinukulit
Kahit alam niyang busy
Ako sa darating na graduation
Pagod na ako sa kanya
Di man lang niya ako iniintindi

Sa pamamasyal naming hindi
Inaasahang text ang dumating
Kinuha niya cellphone ko
Binasa niya lahat ng message
At ang naka phonebook
Nairita na talaga ako sa kanya
Sa pag seselos niya kaya
Nag desisyon nalang akong
Taposin nalang ang lahat
Kahit alam kong mahal ko siya

Kinagabihan nag text siya sa akin
Magkita daw kami kaso
Di ako nakapunta..
Hindi ko rin siya matext
Dahil sa walang load
Makalipas ang ilang araw
Na hindi nagkikita at
Nagtetext ay may natanggap
Akong message

“Gang nanjan kaba bahay ninyo?
Labas ka may sasabihin ako”

Nagmamadali akong lumabas
Para sabihin sa kanya ang lahat
Ngunit huli na pala ang lahat
May girlfriend na pala siya
Nang malaman ko yun
Gumuho ang mundo ko
Di ko alam kung makakaya ko
Na wala siya..

Natuto akong uminom
Dahil sa kanya..
Walang araw na pinapalampas
Mawala lang siya
Sa puso at isipan at ang
Sakit na dinala niya..

Alam kong may katumbas
Ang lahat ng ito
Sakit sakit na
Bakit sa akin pa?
Ngayon na kailangan ko siya
Iniwan niya naman ako..


“THE END”

~edelweiss~