Friday, April 15, 2011

“NECKLACE” (part1)



Mahirap ba talaga no?
Na sa tinginin na lamang,
Sa facebook mo lang siya
Masisilayan
Na hindi mo siya malapitan
Dahil meron na nagmamay-ari sa kanya L

Ako si kaila
Isa sa mga babaeng hanggang tingin na lamang
Dahil may nagmamay-ari sa kanila
Si Marv ang aking dakilang pag-ibig
Kaso meron siyang girlfriend

Ako si Marv
Girlfriend ko si Klarissa
Ang tagal na namin
3 years na kaming
mag boyfriend at girlfriend
at hanggang ngayon
ay Masaya parin kami sa
aming relasyon.
Walang pagbabago
Palaging nag aaway bati
Ngunit kahit ganon man
Ay mahal parin naming ang isa’t isa

Meron kaming mga sumpaan
Na hinding hindi ko malilimutan
At hanggang ngayon ay pinapanindigan ko ito

Nang meron akong magawang kasalanan ay lubos niya itong dinibdib
Nakipaghiwalay siya
Nang hindi ko alam kung
Meron pa bang pag asa



O wala na ba talaga

Ngayon ay umaasa parin ako na
Papatawarin sa lahat
Ng nagawa kong mali sa kanya
Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon
At kaya kong tanggapin lahat ng
Kaparusahan bumalik
Lang siya sa akin

Pinipilit ko paring ma contact
Siya ngunit nag iiba
Siya ng cellphone number
Pag tini text ko L

Nalaman ko ang nangyari
Sa relasyon nila
Marv at Klarissa
Nalulungkot ako na nagkakaganyan
Si Marv
Ganon ba talaga ang pag-ibig?
Sa simula lang masarap
Pag nagtagal papait rin?
Pero bakit ako mapait pa rin?
Simula hanggang ngayon?

Hindi ko na lang iniisip ang
Ganitong mga pangyayari
Ngunit ginagawa ko itong
Parti at aral sa aking buhay

Nang hindi ko mamalayan
sa kaiisip ko kay Marv ay may nakabangga ako . . . .


(itutuloy!)

Thursday, June 3, 2010

“SINGSING”—part 3 (kasal)


Ilang araw nalang
Ikakasal na kami
Ni dave..
Hindi ako makapaniwala
Na ganito kalayo
Ang samahan naming
Mahal na mahal ko siya
At mahal niya ako

Makakalimotan ko na
Si Robert at
Gagawin ko to
Para din sa ikabubuti
Mahal ko parin siya
Kahit na ikakasal ako
Di ko parin mapigilan
Na malungkot at
Maiyak dahil
Sa pinangako niya
Saakin na babalikan
Niya ako at pakakasalan
Pinapangarap ko yun
Kaya nga ngayon
Lang ako pumayag
Na magpakasal
Kasi hinihintay ko
Parin siya na bumalik
Pero di talaga siya
Bumalik para sa
Pinangako niya saakin

Kaya ngayon
Tinanggap ko na ang
Alok ni dave saakin
Alam ko din naman di
Di niya ako pababayaan
At alam kong magiging
Masaya ako sa kanya..

Excited ako sa wedding
Maaga akong nagising
Habang nag make-up
Saakin ay lumapit si dave

“Sarah ok ka lang ba?”



“Oo ok lang ako dave”

Sa simbahan
Habang nasa kotse ako
Napa isip ulit ako
Habang pababa ako ng
Sasakyan napa iyak ako
Naisip ko lang
Ang lahat ng paghihirap
Ni dave saakin

Sa pag lakad ko patungong altar
Napa iyak na talaga ako
di dahil kay dave
dahil kay Robert
na alala ko ulit ang singsing
na binigay niya
saakin na ngayon
suot suot ko
naisip ko yung sinabi niya
hihintayin niya ako
sa harap ng altar

nang papalapit ako sa altar
lalo akong umiyak nang
umupo na kami ni dave
at nagsimulang magsalita
ang pare
umiiyak ako ng nakatingin
sa pare at naisip ko ang singsing
si Robert ay ang
kumasal saamin ni dave


“THE END”

~edelweiss~

Tuesday, June 1, 2010

“SINGSING”-- part 2 (Paalam)

Sasabihin ko na
Na aalis ako
At iiwan siya
Na pupunta ako ng states
At tataposin ang
Pag-aaral ko

“Sarah alam ko malulungkot
Ka sa pag alis ko
Pero bago ako umalis..
Iiwan ko sayo ang
Singsing na to
Patunay na babalikan kita
At hihintayin kita sa harap ng altar..”

“Robert iintayin ko ang
Pag babalik mo”

Sa pag lipas ng taon
Na nagdaan
Hinintay ko si Robert
Nag porsige akong
Mag aral at makapag tapos
Alam kong babalikan niya ako
Nakatapos ako sa pag-aaral
Sa panahong nakapag tapos ako
Ay hindi na siya
Nag papadala ng mensahe
Di ko na alam anong nangyari sa kanya

Sa panahong kailangan ko
ng makakausap wala siya
Kailangan ko ng masasandalan
Umabot na ng 5 taon ang
Paghihintay ko sa kanya
Ng makilala ko si Dave
Naging kaibigan ko siya
Kasama ko sa hirap at sakit
Na dinaanan ko
Di niya ako iniwan
Naging malapit siya
At binigyan ko muli
Ng pag-asa ang puso ko
Na muling tumibok
Matapos akong
Iwan ni Robert at hindi binalikan

Naging Masaya
 naman kami ni Dave
kahit mahirap parin sa loob ko
ang mga nangyari
at kahit limotin man ito
ay muli itong bumabalik
ang sakit na tinitiis ko

alam naman ni Dave ang
nararamdaman ko
na hindi ko parin malimotan
si Robert kasi siya 1st love ko
pero kahit ganon
di sumusuko si Dave
lumaban siya
ginawa niya lahat para
mapasaya ako at malimotan ko
si Robert at dun
ko na ibibigay attention
sa tunay na nagmamahal
saakin at di ako iniwan
si Dave..

matagal narin kami ni Dave
almost 8 years na kami
walang kataposang
kasiyahan binibigay niya
saakin at di nag sasawa
na mahalin ako at pagsilbihan

inayaya narin niya
akong magpakasal
ilang ulit na pero di
ako pumayag…
naisip ko ulit huling pag uusap
namin ni Robert
na iniwan niya ako kasama ang
singsing na binigay niya
pero tama ba to si Dave
nasa harapan ko
si Robert nasa isip ko

binigyan ko ng pagkakataon si dave
magpapakasal na kami
after 2 months
alam kong malilimotan
ko si Robert pag nagkapamilya
kami ni dave at
magiging Masaya kami..

“THE END”

~edelweiss~

“SINGSING” --part 1

Masayang relation
Ang meron kami ni Robert
Ako si Sarah
Ang girlfriend niya
1st year college ako
2nd year naman siya
Isang school lang kami
Nag-aaral since high school
Magkakilala narin kami
Serious kasi na tao si Robert
Di ko nga malimotan
Yung nabuhusan ko siya
Ng juice dahil sa
 katangahan ko..
dun ko siya nakilala ng lubos..
mahal niya pag aaral niya..
kaya isa siya sa mga D.L
sa school namin..

sabay kami nag lu-lunch
pero isang araw di ko siya
nakita sa food court
na tinatambayan naming
kapag nag-aaral
nakita ko siya sa library

“Bert nandito ka lang pala?
Hinahanap kita kanina
Sa food court..
Kumain ka na ba?”

“hindi pa..busy pa ako
Exam na bukas di ako
Gaano nakapag aral”

“kain ka muna bago ka
Mag-aral ba ka magkasakit
Ka niyan..”

“okay lang ako..tatapopsin
Ko lang to”

Kinabukasan exam na
Nakapasa kaya si Robert?
Alam ko napasa niya yun
Di na yun kumain kahapon sa
Kaka study ng lessons

“Robert kumusta exam?”

“okay lang naman..
Nakapasa ako..”

“wow galing mo talaga..”

Nalilito na ako..
Paano ko sasabihin kay Sarah
Na aalis na ako next month
Papunta sa states
Isasama ako ng daddy ko
Dun ko tataposin ang pag-aaral ko
Mahal ko si Sarah
Paano ko sasabihin sa kanya?

Iniiwasan ko na si sarah
Dahil ayaw kong masaktan siya
Pag umalis na ako

“Robert? Iniiwasan mo ba ako?
Parati mo na kasi ako tinatakibohan..
May problema ba tayo?
Bakit mo ako nilalayuan?”

“wala naman medyo
busy kasi ako ehh..
labas tayo ngayong gabi
babawi ako sayo”

siguro oras na nga siguro
na sabihin ko sa kanya
na aalis na ako..
at tataposin ko
muna pag-aaral ko
sa states..

ibibigay ko tong singsing
at mangangako ako
na babalikan ko siya
mahal ko si Sarah at babalikan ko siya
pag nakatapos na ako dun..

“THE END”

~edelweiss~

“LOAD” –part 5 (give up)


Mahal ko talaga siya
Kaya naging kami ulit
Sinagot ko siya
Kasi alam kong wala
Ng sagabal saamin
Kahit di ko alam
Kung totoo o hindi
Doon ko binalik
Ang trust ko sa kanya
Kasi alam ko mahal niya ako
At Masaya na ako nun

Kinalimutan ko
Ang lahat ng sakit
Na binigay niya
At binuo ko muli ang
Trust para wala ng
Problema…
Mahal ko siya…
At alam niya yun

Proud ako sa kanya
Kahit ganon nangyari sa amin
Malaking trials yun
Sa amin na mawala siya
Ipinag kalat ko pa na kami ulit
Na mahal ko siya
At mahal niya rin ako
Na nagsisimula kami ulit
Na kami na ulit at di
Na mahihiwalay ng iba

Sa panahong Masaya ako
May natanggap akong
Message sabi:
Myga kayo pa ba ni Genel
Sabi ko oo
Di ko alam na girlfriend niya yun..
Hindi pala sila nag hiwalay
Sila parin daw
At magkasama sila parati

Sakit ang naramdaman ko
Gusto kong sumigaw
Pero maraming tao



Gusto kong himatayin sa sakit
Pero kinaya ko
Ano ba ang kulang?
Binalik ko naman yung trust ko
Na kinatatakutan niyang mawala
Binigay ko naman ulit lahat…
Mahal ko naman siya
Di na naman ako nagkukulang
Pero bakit ganon siya?
Isang gabing iyak
Binigay ko sa kanya
Di tulad nun na
Ilang araw akong lasing
Siguro nga sanay na ako
Sa mga ginagawa niya
Na binibigyan ako ng sakit
Pero kahit ganon iniisip ko
Nalang kung saan siya Masaya
Na di na ako lumuluha
So I decide na give up na ako
Alam ko din naman
Na hindi na magiging kami ulit
At tinanggap ko yun na
Masaya kahit may sakit pa
Kinakaya ko..
Doon ko rin na isip na
May darating pang iba
At tatanggapin ako
At mag trust siya sa akin
At tatanggapin kung
Ano ang mga karanasan ko noon..
“Mahal ko siya pero
Ayaw ko na ang sakit sakit na
Tama na ang sakit na binigay niya”

"THE END"

~edelweiss~

Sunday, May 23, 2010

“LOAD” –part 4 (ang pagbabalik)

Nangangarap parin ako
Sa lahat ng mga pangako niya
Ngayon ko lang naramdaman
Ang pagod sa paghihintay
Sa di ko alam..
Kung magiging akin ulit
Ang alam ko lang
Hihintayin ko siya
Hangga’t kaya ko pa..

Ang saya-saya namin
Tuwing magkasama kami
Sa pamamasyal..
Hindi ko na maiwasan
Ang mahulog ng lubosan sa kanya..
Kahit alam ko di pa pwede

Last night ng pamamasyal
Naming nag usap kami
Sa mga nangyari sa amin
Kung bakit kami nagkaganito
Di ko rin naman siya masisisi
Sa lahat ng nagawa kong
Mali sa kanya
Pero kahit ganun
Gusto ko paring itama
Ang lahat ng yun..
Kahit huli na..
Di na nga pwede ibalik
Pero pwede namang ayosin
Napaiyak lang ako nung
Sabihin niya na

“Gang di mo naman ako
Masisisi kung bakit ko to
Nagawa..
Mahal kita..
Pero pinairal ko yung
Pride ko dahil sa
Galit na galit ako sayo..”

Inaamin ko naman yung
 Pagkakamali ko..
Kahit din labag sa loob ko..

“Gang mahal kita..
Wag ka na iiyak iyak jan..
Hindi bagay..
Sige ka papangit ka niyan”

Kahit na minsan lang
Kami magkasama
Pero sa maliit na panahong iyan
Nagiging Masaya kami..

“Masaya akong kasama ka gang”
Hintay ka lang..
konting oras nalang
Hindi ka mabibigo..
Yan ang itatak mo sa isip at puso mo
Na mahal kita..”

Kinabukasan nun nag text siya
Nag uusap kami sa
Lahat parin ng nangyari
Sinabi niya..

“Gang naghiwalay kami”

Sa panahong iyon..
Di ako naka kibo sa higaan ko
Ayaw kong maniwala
Alam ko ding naming
Magkakabalikan sila ulit..
Pinatawag niya ako.

“Gang ayaw ko na bumalik sa kanya..
Ikaw ang mahal ko..
Mas Masaya ako kasama ka..
Tama ka gang kahit itaas ko yung pride ko
Ikaw parin..di ko ito maitatago”

Masayang masaya ako
Kahit sa tawag lang niya sinabi yun..
Nagkita kami kinahaponan
Alam kong magiging maligaya kami..

Sa isang tunay na pag-ibig..
Kahit na gaano pa kalaki
Ang kasalanan at ipapairal
Ang pride mo..
Kung tunay talaga
Pagmamahal ninyo lalabas
Parin ang namumuong pag-ibig..

“THE END”

~edelweiss~

Friday, May 21, 2010

“LOAD” ---part 3 (ang pangako)

Lahat ginawa ko na
Para mawala na siya..
Ang pagmamahal ko
Ang sakit na nasa puso ko
At ang mundo ko
Na gumagalaw sa kanya..

Ngayon na okay na ako
Kaya ko na tumayo
Na wala siya
Kaya ko nang iwanan
Ang lahat ng binigay niya
Na pagmamahal at
Natutunan ko nang
Di paniwalaan..

Kahit na nagsasama
Parin kami sa pamamasyal
Di parin mapigilan
Na maramdaman ang
Pagmamahal ko sa kanya..
At parati niyang sinasabi..

“Gang mahal parin kita”

Kung noon naniniwala ako
Ngayon hindi na..
Kung mahal niya talaga ako
Hindi na siya magmamahal
Ng iba at dito lang siya..
Kahit alam ko man na totoo
Sinasabi niya pero
Pinipigilan kong maniwala

Siguro nga matigas na puso ko
Sa mga nangyari imposible
Na magbago pa ako..
Natutunan ko na kasing
Magpakamanhid..
Ang puso ko naging bato
Sa lahat ng nagmamahal sa akin

Kasama ko siya one night
Nagalit siya sa akin
Sabi niya..

“Gang ano ka ba?
Bakit guys kasama mo?
Sa pamamasyal?”

Alam kong nagseselos siya
Sa barkada ko..
Tinangka pa niya akong
Suntokin sa harap ng
Maraming tao..
Pero hindi ako nadala
Bakit niya naman ako
Papakialaman ehh
Hindi ko naman siya
pinipilit na lapitan ako ha..
matapos yun ay
nagkita kami sinabi niya..

“Gang sorry ha..
Di ko lang mapigilan
Barkada mo kasi inuna
Kaysa sa akin..”

Alam kong nararamdaman niya
Naranasan ko din yun
Sa kanya kaya nga matigas
Na puso ko sa kanya
  
“Gang pwede ba tayo
Nalang ulit?
Mahal kasi kita ehh
Mahal na mahal kita..
Ayaw ko na nasa iba ka..”

Sa panahong iyon..
Alam ko na totoo yun
Gusto ko mang magkabalikan
Kami pero hindi pwede..

“Gang kung mahal mo talaga ako
Sana inisip mo ano kinalalabasan
Nito lahat..
Ayaw kong magkabalikan tayo
Habang kayo pa..
Ano ako? kabit?”

“Bumalik ka lang kung
Hindi na kayo at marealize mo
Lahat ng kamalian mo..”

“Gang papatunayan ko yan”
“mahal kita..hintayin mo lang
Ang araw ng pagbabalik ko..
Wag ka mag alala
Ilang araw nalang ang pagtitiis
Natin magiging tayo ulit..”
“Promise ko yan”

Ngayon sa sinabi niya
Naghihintay pa ako..
Kung totohanin niya yun
Pero sa ngayon
Di ko nalang papangarapin pa..
Baka mangarap ako sa wala
Sakit narin kasi
Ang mangarap na hindi natutupad
At kahit anong pilit mo
Hindi siya magiging sayo..


“THE END”

~edelweiss~