Sunday, May 23, 2010

“LOAD” –part 4 (ang pagbabalik)

Nangangarap parin ako
Sa lahat ng mga pangako niya
Ngayon ko lang naramdaman
Ang pagod sa paghihintay
Sa di ko alam..
Kung magiging akin ulit
Ang alam ko lang
Hihintayin ko siya
Hangga’t kaya ko pa..

Ang saya-saya namin
Tuwing magkasama kami
Sa pamamasyal..
Hindi ko na maiwasan
Ang mahulog ng lubosan sa kanya..
Kahit alam ko di pa pwede

Last night ng pamamasyal
Naming nag usap kami
Sa mga nangyari sa amin
Kung bakit kami nagkaganito
Di ko rin naman siya masisisi
Sa lahat ng nagawa kong
Mali sa kanya
Pero kahit ganun
Gusto ko paring itama
Ang lahat ng yun..
Kahit huli na..
Di na nga pwede ibalik
Pero pwede namang ayosin
Napaiyak lang ako nung
Sabihin niya na

“Gang di mo naman ako
Masisisi kung bakit ko to
Nagawa..
Mahal kita..
Pero pinairal ko yung
Pride ko dahil sa
Galit na galit ako sayo..”

Inaamin ko naman yung
 Pagkakamali ko..
Kahit din labag sa loob ko..

“Gang mahal kita..
Wag ka na iiyak iyak jan..
Hindi bagay..
Sige ka papangit ka niyan”

Kahit na minsan lang
Kami magkasama
Pero sa maliit na panahong iyan
Nagiging Masaya kami..

“Masaya akong kasama ka gang”
Hintay ka lang..
konting oras nalang
Hindi ka mabibigo..
Yan ang itatak mo sa isip at puso mo
Na mahal kita..”

Kinabukasan nun nag text siya
Nag uusap kami sa
Lahat parin ng nangyari
Sinabi niya..

“Gang naghiwalay kami”

Sa panahong iyon..
Di ako naka kibo sa higaan ko
Ayaw kong maniwala
Alam ko ding naming
Magkakabalikan sila ulit..
Pinatawag niya ako.

“Gang ayaw ko na bumalik sa kanya..
Ikaw ang mahal ko..
Mas Masaya ako kasama ka..
Tama ka gang kahit itaas ko yung pride ko
Ikaw parin..di ko ito maitatago”

Masayang masaya ako
Kahit sa tawag lang niya sinabi yun..
Nagkita kami kinahaponan
Alam kong magiging maligaya kami..

Sa isang tunay na pag-ibig..
Kahit na gaano pa kalaki
Ang kasalanan at ipapairal
Ang pride mo..
Kung tunay talaga
Pagmamahal ninyo lalabas
Parin ang namumuong pag-ibig..

“THE END”

~edelweiss~

1 comment: