Friday, May 21, 2010

“LOAD” ---part 3 (ang pangako)

Lahat ginawa ko na
Para mawala na siya..
Ang pagmamahal ko
Ang sakit na nasa puso ko
At ang mundo ko
Na gumagalaw sa kanya..

Ngayon na okay na ako
Kaya ko na tumayo
Na wala siya
Kaya ko nang iwanan
Ang lahat ng binigay niya
Na pagmamahal at
Natutunan ko nang
Di paniwalaan..

Kahit na nagsasama
Parin kami sa pamamasyal
Di parin mapigilan
Na maramdaman ang
Pagmamahal ko sa kanya..
At parati niyang sinasabi..

“Gang mahal parin kita”

Kung noon naniniwala ako
Ngayon hindi na..
Kung mahal niya talaga ako
Hindi na siya magmamahal
Ng iba at dito lang siya..
Kahit alam ko man na totoo
Sinasabi niya pero
Pinipigilan kong maniwala

Siguro nga matigas na puso ko
Sa mga nangyari imposible
Na magbago pa ako..
Natutunan ko na kasing
Magpakamanhid..
Ang puso ko naging bato
Sa lahat ng nagmamahal sa akin

Kasama ko siya one night
Nagalit siya sa akin
Sabi niya..

“Gang ano ka ba?
Bakit guys kasama mo?
Sa pamamasyal?”

Alam kong nagseselos siya
Sa barkada ko..
Tinangka pa niya akong
Suntokin sa harap ng
Maraming tao..
Pero hindi ako nadala
Bakit niya naman ako
Papakialaman ehh
Hindi ko naman siya
pinipilit na lapitan ako ha..
matapos yun ay
nagkita kami sinabi niya..

“Gang sorry ha..
Di ko lang mapigilan
Barkada mo kasi inuna
Kaysa sa akin..”

Alam kong nararamdaman niya
Naranasan ko din yun
Sa kanya kaya nga matigas
Na puso ko sa kanya
  
“Gang pwede ba tayo
Nalang ulit?
Mahal kasi kita ehh
Mahal na mahal kita..
Ayaw ko na nasa iba ka..”

Sa panahong iyon..
Alam ko na totoo yun
Gusto ko mang magkabalikan
Kami pero hindi pwede..

“Gang kung mahal mo talaga ako
Sana inisip mo ano kinalalabasan
Nito lahat..
Ayaw kong magkabalikan tayo
Habang kayo pa..
Ano ako? kabit?”

“Bumalik ka lang kung
Hindi na kayo at marealize mo
Lahat ng kamalian mo..”

“Gang papatunayan ko yan”
“mahal kita..hintayin mo lang
Ang araw ng pagbabalik ko..
Wag ka mag alala
Ilang araw nalang ang pagtitiis
Natin magiging tayo ulit..”
“Promise ko yan”

Ngayon sa sinabi niya
Naghihintay pa ako..
Kung totohanin niya yun
Pero sa ngayon
Di ko nalang papangarapin pa..
Baka mangarap ako sa wala
Sakit narin kasi
Ang mangarap na hindi natutupad
At kahit anong pilit mo
Hindi siya magiging sayo..


“THE END”

~edelweiss~

No comments:

Post a Comment