Tuesday, June 1, 2010

“SINGSING”-- part 2 (Paalam)

Sasabihin ko na
Na aalis ako
At iiwan siya
Na pupunta ako ng states
At tataposin ang
Pag-aaral ko

“Sarah alam ko malulungkot
Ka sa pag alis ko
Pero bago ako umalis..
Iiwan ko sayo ang
Singsing na to
Patunay na babalikan kita
At hihintayin kita sa harap ng altar..”

“Robert iintayin ko ang
Pag babalik mo”

Sa pag lipas ng taon
Na nagdaan
Hinintay ko si Robert
Nag porsige akong
Mag aral at makapag tapos
Alam kong babalikan niya ako
Nakatapos ako sa pag-aaral
Sa panahong nakapag tapos ako
Ay hindi na siya
Nag papadala ng mensahe
Di ko na alam anong nangyari sa kanya

Sa panahong kailangan ko
ng makakausap wala siya
Kailangan ko ng masasandalan
Umabot na ng 5 taon ang
Paghihintay ko sa kanya
Ng makilala ko si Dave
Naging kaibigan ko siya
Kasama ko sa hirap at sakit
Na dinaanan ko
Di niya ako iniwan
Naging malapit siya
At binigyan ko muli
Ng pag-asa ang puso ko
Na muling tumibok
Matapos akong
Iwan ni Robert at hindi binalikan

Naging Masaya
 naman kami ni Dave
kahit mahirap parin sa loob ko
ang mga nangyari
at kahit limotin man ito
ay muli itong bumabalik
ang sakit na tinitiis ko

alam naman ni Dave ang
nararamdaman ko
na hindi ko parin malimotan
si Robert kasi siya 1st love ko
pero kahit ganon
di sumusuko si Dave
lumaban siya
ginawa niya lahat para
mapasaya ako at malimotan ko
si Robert at dun
ko na ibibigay attention
sa tunay na nagmamahal
saakin at di ako iniwan
si Dave..

matagal narin kami ni Dave
almost 8 years na kami
walang kataposang
kasiyahan binibigay niya
saakin at di nag sasawa
na mahalin ako at pagsilbihan

inayaya narin niya
akong magpakasal
ilang ulit na pero di
ako pumayag…
naisip ko ulit huling pag uusap
namin ni Robert
na iniwan niya ako kasama ang
singsing na binigay niya
pero tama ba to si Dave
nasa harapan ko
si Robert nasa isip ko

binigyan ko ng pagkakataon si dave
magpapakasal na kami
after 2 months
alam kong malilimotan
ko si Robert pag nagkapamilya
kami ni dave at
magiging Masaya kami..

“THE END”

~edelweiss~

No comments:

Post a Comment