Thursday, May 20, 2010

“LOAD” ---part 2 (moving on)

Nawala na lahat sa akin..
Naglalasing ako..
Araw-araw para mawala lang
Lahat ng sakit na binigay niya..
Kahit kaawa-awa na ako
Sa mukha ng iba
Iniiyakan ko parin siya..
Mahal ko kasi siya
Kahit sobrang sakit na..

Ang mas masakit pa..
Iniwan na nga niya ako
Dinala niya pa ang girlfriend
Niya sa graduation day ko
Nung araw na yun
Ipinakita ko sa harap
Ng mga tao na kaya ko..
Pero mali pala ako..
Sa harap nila lang ako
Matapang ngunit..
Sa harapan niya
Nangangarap parin akong
Babalikan niya..

Kinagabihan after the
Graduation nag sama pa kami

“Gang masaya ka ba?
Na magkasama tayo ngayon?”

“Sa totoo lang oo..”
“Masayang masaya kahit
Di tayo..”

Kontento na ako na
Magkasama lang kami..
Kahit sa tingin ko
Naghahanap pa ako ng
Paraan na babalik siya pero
Hindi talaga..

That night uminom ako..
Kasama siya..
Sa bahay ng kaklase ko..
Di ko lang napigilan
Sarili ko dahil sa selos
Kasi habang magkasama kami
 katext niya naman girlfriend niya
sakit pa nung nag selos ako
sinabihan niya pa ako

“Gang tanggapin mo
Nalang na wala na ako
At hindi na magiging tayo”

Umiyak talaga ako nun
Di ko alam bakit nawala
 agad pagmamahal niya
pero kinaya ko yun..
nagkikita parin kami..
siguro nga tanga lang
talaga ako sa kanya
binalak ko pa manggulo sa
kanila pero siguro hindi na talaga..

Tinanggap ko nalang
 Na wala na siya
Hindi na ako nagpakita sa kanya
1 week lang nga lang
Pero natutunan ko na rin
Hindi umiyak
Para ano pa ba luha ko kung
Di naman siya babalik..

After na naka realize ako
Sa pagkakamali ko
May naging boyfriend ako
Di ko nga lang mahal
Gusto ko lang mawala siya
Sa isipan ko

Atleast may natutunan ako
Kay Richie na kawawa
lang ako sa ex ko..
pero paano ba yan
mahal ko parin siya
kaya ginagawa ko ngayon
nilibang ko sarili ko sa
mga nangliligaw sa akin

ngayon may 3 akong bf..
ewan ko lang kung ano nangyari
pero try ko lang kung mawala
 ang pagmamahal ko sa kanya
wala naming masama..
sa ngayon pinapatuloy ko
lang ang paglayo sa kanya…

“THE END”

~edelweiss~



“LOAD” --part 1

Isang pagkakataon ang
Pinagsisihan ko sa buong
Buhay ko…
Ang araw na gumuho ang mundo
Dahil sa munting pagkakamali
Na hindi inaasahan..

Ako si Myga isang babaeng suplada
Mahal ko ang boyfriend ko..
Kahit seloso yun mahal ko parin
Kahit walang tiwala..
Ngunit sa isang pangyayari
 Nagbago sa lahat..

Nagtext si Genel sa akin
Ang boyfriend kong walang
Tiwala sa akin at seloso..

“Gang kita tayo mamaya.”

“Saan? Pasyal na naman tayo?”

Naiinis na talaga ako sa kanya
Parati akong kinukulit
Kahit alam niyang busy
Ako sa darating na graduation
Pagod na ako sa kanya
Di man lang niya ako iniintindi

Sa pamamasyal naming hindi
Inaasahang text ang dumating
Kinuha niya cellphone ko
Binasa niya lahat ng message
At ang naka phonebook
Nairita na talaga ako sa kanya
Sa pag seselos niya kaya
Nag desisyon nalang akong
Taposin nalang ang lahat
Kahit alam kong mahal ko siya

Kinagabihan nag text siya sa akin
Magkita daw kami kaso
Di ako nakapunta..
Hindi ko rin siya matext
Dahil sa walang load
Makalipas ang ilang araw
Na hindi nagkikita at
Nagtetext ay may natanggap
Akong message

“Gang nanjan kaba bahay ninyo?
Labas ka may sasabihin ako”

Nagmamadali akong lumabas
Para sabihin sa kanya ang lahat
Ngunit huli na pala ang lahat
May girlfriend na pala siya
Nang malaman ko yun
Gumuho ang mundo ko
Di ko alam kung makakaya ko
Na wala siya..

Natuto akong uminom
Dahil sa kanya..
Walang araw na pinapalampas
Mawala lang siya
Sa puso at isipan at ang
Sakit na dinala niya..

Alam kong may katumbas
Ang lahat ng ito
Sakit sakit na
Bakit sa akin pa?
Ngayon na kailangan ko siya
Iniwan niya naman ako..


“THE END”

~edelweiss~

Wednesday, May 19, 2010

“PAPEL” –part 2

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko
Ang pinakamasakit sa lahat
Na nawala si Kent..
Nawalan ako ng bestfriend
At minamahal..

Ilang taon din akong
Umiyak dahil sa kanya..
Di parin siya mawala sa puso ko
Iningat-ingatan ko ang katawan ko
Pagkatapos kong lumabas sa ospital
Lalo na ang kidney ni Kent na ngayon
Ay nandito saakin..

Binigyan ko ng pagkakataon ang buhay ko
Kaya pumasok ako sa isang kompanya..
Nagtrabaho ako at
Nakilala ko si Jack
Naging malapit siya sa akin
At naging mag best friend kami..

Ako si Jack…
Naging malapit kay Kathy..
Nangangarap na maging kami…
Pero hindi pwede ehh
Bestfriend kami..

“Jack labas naman tayo ohh”

“Sige ba..ngayon gabi
Hihintayin lang kita sa kanto..”

Nang sumapit ang gabi..
Papunta na ako sa kanto..
Ng biglang..
Hinablot ang bag ko
At may sumalo saakin..
Hinabol niya ang snatcher
Kaso may dalang kutsilyo at
Nasaksak ang bestfriend ko
Napaiyak nalang ako at lumapit
Bakit mo pa kasi hinabol
Tignan mo tuloy..

Matapos ang araw na yun
Nakalabas ako sa ospital
Nakita ko si Kathy umiiyak

“Kath? Bat ka umiiyak?

“Wala to..napuwing lang ako.”

Sa paglipas ng mga araw na
Magkasama kami nabuo ang
Matibay naming samahan ng..
Maisugod ulit ako sa ospital..

Pag gising ko di ako masyadong nakatayo
Nang may inabot na papel
Na may sulat saakin

Sulat ni Kathy at ng pumanaw niyang kaibigan..
Nabasa ko sulat nila..
Mahal na mahal nila ang isa’t-isa..
Sa gilid ng sulat nila
Nakita ko sulat niya para sa akin..

“Jack mahal din kita katulad
Ng pagmamahal ni kent sa akin
Na ibinigay ko sayo ang
Puso ko na ngayon
Ay nasa sayo…”

“Masaya ako kasama siya..
Kasabay ng pag mamahalan naming dalawa..”

“PAALAM KAIBIGAN”

"THE END"

~edelweiss~

Tuesday, May 18, 2010

"PAPEL"

Ang kwentong ito ay para sa inyo..
Kaibigan na may lihim na pag-ibig..

Ako si Kathy..
Kaibigan ko si Kent
Naging malapit kami sa isa’t –isa
Dahil magkasosyo pamilya nami sa negosyo
Bata pa kami may lihim na akong
Pagtingin sa kanya na hinding hindi ko
Masabi sabi dahil mag best friend kami..

Bakit ka masaya best?

Wala masaya lang..punta ka
Mamayang gabi ha..
may announcement ako..

Sa masayang niyang mukha nakatitig lang ako
Gusto ko ng sabihin sa kanya kaso bawal..
Sa papel ko lang nasulat ang bawal
Na pagmamahal ko sa kanya..


Nanjan na pala bestfriend ko..
Best..meet Maria my girlfriend..

Sa pagsabi niya palang sa pangalan
Ng kasama niya para na akong
Himatayin sa sakit ng malaman
Kong girlfriend niya at engage na sila

Napatakbo ako sa labas ng bahay
Dahilan ng sama ng loob..ng..
Nabunggo ako ng sasakyan..
Tinakbo ako sa ospital ng malaman
Ni Kent na malubha ang aking kalagayan
Sabi ng doctor kailangan ko na ng
Kidney transplant dahilan ng pagkabunggo saakin..


“Best bakit ka ba tumakbo?”
At hawak hawak ang kamay niya
Ng makita ko ang isang sulat..



“Kent mahal kita..higit sa kaibigan..
Mahal mo rin ba ako?”

Tumulo ang luha ko sa nabasa ko..
“Best bakit ngayon pa?
Gumising kana!”

After 3 weeks

Nagising ako
“Nasaan ako?”

“Miss nasa ospital po kayo
"Naaksidente po kasi kayo..
"3 weeks na po kayong walang malay…”

“Ha? Di ko maintindihan..”


“Na operahan po kayo..sa kidney
"Natamaan kasi kidney ninyo dahilan
"Sa pagkabunngo..buti may donor..

“Napakabait naman niya
Saan na siya?”


“Hindi po siya naka survive..
"May sulat siya para sayo
"Before the operation..”

“Sulat ko to ha..before the accident..”

“Sa likod po ng sulat ninyo
"Nakalagay yung sulat niya..”

Sa pagbukas ko palang sa sulat
Namukhaan ko na agad ang handwriting..

“Sayo na kidney ko patunay ko na
mahal na mahal kita..”
“Mahal din kita Kathy..”

“Si Mr. Kent John Mendel po donor ninyo"

“THE END”

~edelweiss~

Monday, May 17, 2010

“TEXTMATE”

Ang storyang ito ay para
Sa mga taong nangangailangan
Ng makakausap
Ngunit hindi sinasadyang
Pag-ibig ang kinalalabasan..


Hi..ako si kaye
Kakaiwan lang ng boyfriend ko sakin
Sa pag iwan nya sa akin
Parang gumuho ang mundo ko..

Hi..ako si gaga
Naghahanap ako ng babaeng
Makapagtitibok sa puso ko
At handang tumanggap sa pag-ibig ko

Isang pagkakataong naibigay sa akin

Isang oportunidad para sa muling
Pagtibok ng puso ko..

Sa paglipas ng buwan ay may naging
Textmate ako na taga samin si Gaga
Ilang araw narin kaming nagtetext..
Magaan na nga loob ko sa kanya ehh
Kahit di ko pa nakikita napamahal na
Ako..kahit sa text man lang..pero di
Pwede textmate lang kami..

Ilang araw narin kaming textmate ni kaye
Masaya ako katext siya..kahit walang
Load pinipilit kong magkameron para
Makatext lang siya..mahal ko na
Ata siya..pero hindi pwede..
Textmate lang kasi kami ehh….

  April  24,2008

Hello kaye..free ka ngayong gabi?
Bakit?
Magkita naman tayo..pwede na ba?
Ilang araw naman tayong textmate..
Sure kaba? Pangit kasi ako
Baka di mo ako magustohan..
Bakit naman? 
Di ko naman kailangan ng maganda..
basta mamaya huh..
8 pm… sa scating ring malapit sa park..
Sandali  lang!
Basta hihintayin kita..
Kung di ka pupunta di din kita I tetext..

Ano ba gagawin ko? Makakapunta
talaga ako makikilala ko na siya..

     8:00 pm

Nandito na ako…
Asan kana?

  8:05 pm

Wala pa siya..saan na kaya yun?
Hindi na siguro yun dadating..

Hi..ako si kaye..
“Ikaw ba si gaga?”

Napalingon ako nang 
Makita ko siya
Sa maganda niyang ngiti..
“oo ako nga”

Sa paglipas ng mga oras..
Napapalapit siya sa akin..
Satingin ko mahal ko na siya..
Pero textmate lang kami..

Okay siyang kasama..
Nakakatawa ulit ako dahil sa kanya
Mahal ko na ata siya..
Pero textmate turing niya..

Sa pag uusap namin..
May biglang tumawag sa kanya..
Sandali lang ha..
Okay..take your time..
Sa pag uusap nila nalaman kong
Ex-boyfriend niya yun..
Muntik na ako mapaaway
Nagalit ako sa kanya..
Ayoko ng away..
Sorry di ko sinasadya..uuwi nalang ako
Hinawakan ko kamay niya..
Sandali  lang…
Mahal kita…sorry ayoko lang..
Ano?dalawa kayo kung magiging tayo?
Ikaw naman talaga ehh..matagal na
Kahit di pa tayo nagkita..
Mahal na kita…

“THE END”